the Famous Bob Ong Quotes (Life, love, family & friends)

Alam ko sikat si Bob Ong at syempre nag research ako tungkol sa kanya, ayoko namang magpost lang ng mga jokes tapos di ko pala alam kung saan galing ang source nito…

At sa dami ng mga link na pinasok ko, meron akong nagustuhan na intro about him…at eto un!

Can you read this “ABNKKBSNPLAko?!,” This is one of the best selling books of Bob Ong. the way the title is written implies his writing style, easygoing yet percussive, with moments of insightful realization. “I am my writing style. I don’t write for decoders of treasure maps. I’m an equal-opportunity writer who wants to be read by anyone who can.”, Bob Ong said.


Who is Bob Ong anyway? CONSIDER him the mass-market mystery man, a publishing phenomenon whose blockbuster book sales are equaled only by the anonymity he maintains. He is Bob Ong—not his real name—the most unusual best-selling Filipino author you’ve never met.He has written the books “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?,” “Ang Paboritong Libro ni Hudas,” “Alamat ng Gubat” and “Stainless Longganisa,” all of which have a combined sales of almost a quarter million.

The pseudonym Bob Ong came about when the author was working as a web developer and a teacher, and he put up the Bobong Pinoy website in his spare time. The name of the site roughly translates as “Dumb Filipino,” used fondly as a diminutive term. “Although impressed,” Bob Ong notes, “my boss would’ve fired me had he known I was the one behind it.” The site received a People’s Choice Philippine Web Award for Weird/Humor in 1998.When someone contacted him after mistaking him as an actual person named Bob Ong, his famous pseudonym was born.

Here are some of “Bob Ong Kowts” (Bob Ong Quotes)

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”


0880-sid-james-laughingsid-james-laughing-posters

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko ”

“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.


In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila..

*Pag may mahal ka at ayaw sa’yo, hayaaan mo lang. Malay mo naman sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang.

*Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.

*Ayokong masanay sa mga bagay na hindi ko naman kailangan sa buhay ko.

* Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

*Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

*Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

*Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”

Bob Ong Love Quotes

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa. effect”

12. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

19. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

20. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

21. Nasa isang relasyon ka para sumaya, tumawa, ngumiti, at hindi para magalit, masaktan at umiyak.

22. “Hindi mo siya pwedeng pilitin na mahalin ka. Pero, pwede mo ipa-mukha sa kanya kung ano ang sinayang niya.”

23. Ang relasyon, wala yan sa tagal. Yung iba nga diyan, sa hinaba-haba ng relasyon, sa hiwalayan din ang tuloy.

24. Ang buhay ay isang sugal. Dapat handa kang mawalan kung gusto mong magkaroon.

25. “May mga feelings na hindi na dapat PINAPAALAM. Lalo na kung alam mong wala rin namang PATUTUNGUHAN.”

26. “Wag mo isuko ang isang bagay na alam mong kaya mo pang ipaglaban mahirap maghintay pero mas mahirap magsisi.”

27. “Ang pinakamirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka nya hahabulin.”

28. Sayang ang ganda ng yung mga mata kung lagi kang umiiyak sa taong walang kwenta.

29. Kung gusto mong kumpletuhin ang saya mo huwag mo na lang intindihin yung mga taong hindi ka maintindihan.

30. Aanhin mo ang MAGANDA/ GWAPONG karelasyon, kung siya naman ang umuubos ng iyong IPON.

31. “Kapag hindi ka mahal, tanggapin mo. Hindi yung lolokohin mo pa sarili mo na balang araw, mamahalin ka din niya.”

32. May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang wakasan. Yun bang ayaw mo ng umasa pero gusto mo pa ring maghintay.

33. Huwag mong hayaan makuha ng iba ang nagpapasaya sayo. Dahil unang una, sayo yun hindi sa kanila.

34. Hindi lahat ng kaibigan dapat pinapayuhan. Minsan kailangan mo rin sila batukan para matauhan.

 

haha

“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.
Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.
Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat: Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin..

…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. Desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

laughing-buddha-maitreya-cybele-la

Love,

RoYgBiV

About these ads

50 Responses so far »

  1. 1

    jaytif said,

    Keep in mind that no two things can occupy the same space….at the same time.”

  2. 2

    ayrh clarito said,

    bob ong..sana magka itsura kana at makita q na kung sino at ano kba tlaga..haha..d q kc alm f anu ka..TAO KA BA?? HAHA BKIT ANG LUPIT mu?? MAHAL NA MAHAL KITA.. SAPUL SAPUL LANG EE..HAHA DAMI KANG PUNTO SA BUHAY..HAHA.MWAMWA

  3. 3

    tiffany said,

    love you bob ong…. kelangan ko tlga ng qoutes muh ngayon eeee…sawi

  4. 4

    zxng said,

    kainspire ka bob ong , lahat ng book mo kinulekta ko, may book ba you pang love story?

  5. 5

    lyka said,

    ang gnda zobra promise more pa po sana“““`tnxxx

  6. 6

    france osorio said,

    bob onng ..
    u’r so great ..!!

  7. 7

    yunari said,

    ang gand ng mga sinulat nya
    nakakatuwa na marami syang mga taong nababago
    dahil sa mga sinusulat nya

    mga fats of life na dahil sa
    sobrang busy ng mga tao
    sa paligid nila
    ngayon ay di na nila nalalaman na ngeexist pala

    REALIZATION…..ANG GANDA talaga ng sisnusulat mo
    bob ong….^^,

  8. 8

    mariel said,

    bob ong is really a great person with great priciples .

  9. 10

    era said,

    waaah idol si sir bob ong.. prof ko yan im proud of haha

  10. 12

    clarisse'07 said,

    ….ang gaganda ng mga inspirational quotes ni bob ong……
    ……..binabasa ko rin ang mga books niya…. ilove it…. more power to you.. tuloy tuloy mo lang ang pagsusulat…

  11. 13

    john mike castor said,

    omg!!! lhat tlga ng qoutes m sobrang inspiring and they are all having a moral lesson!!! more powers to u

  12. 14

    anne said,

    nakakainspire po ..

  13. 15

    maricel dapog said,

    naranasan u na bang mafall in love??para malaman mong di lahat ng bagay ndadala sa common sense??

  14. 16

    nica tecson said,

    the best ka talaga!
    Bob Ong!
    …..God Bless!!

  15. 17

    lhen said,

    iiieeeeehhhh
    ganda ng mga qoutes mo bob ong like it….

  16. 18

    bob ang gling m,,,;
    )

  17. 20

    vhess said,

    tagal na kitang mahal…nag search pa ako about sau…pero tinataguan mo ako…isa lng alam ko…aktibista ka…hehehe UP grad ka…cguro

  18. 21

    camille said,

    the best ka bob-ong !! totoong nangyayari sa tunay na buhay ang mga ginagawa mong qoutes !!daeng naiinspired and i am one of them!! salamat po!

  19. 22

    Bb. Millet said,

    bob ong really rocks our world!

  20. 23

    gek said,

    ayos!! :))

  21. 24

    judith said,

    bob ong i like u so much….
    IDOL……

  22. 25

    carlo said,

    Lupet !

  23. 26

    josh said,

    the best si bob ong nakaka inspire lahat ng mga quotes..

  24. 27

    lyvejen said,

    thanks bob ong..inspired ako sa mga quotes mo..godbless

  25. 28

    rikky mae said,

    ganda nito halos lahat na tag ko na sa facebook

  26. 29

    fatima said,

    iloveu bob ong. the best ka talga.

  27. 30

    galing mo bob ong. bobo ong the great.

  28. 31

    Kyrie Espejo said,

    best of the best!!
    sna mag pkita kna ng fez mu.. hehehhe

    luv u sooo much Mr. Bob Ong.. :))

  29. 32

    onye said,

    ang galing nya tlaga :D

  30. 33

    jordan martir said,

    iba ka tlaga bob ong

  31. 34

    rochelyn concan said,

    more plss..

  32. 35

    alyssa_08 said,

    i <3 bob ong quotes

  33. 36

    PONG said,

    ANG GALING DI KU ALAM KUNG ALAM MUNA BA TALAGA LAHAT NG BAGAY. NARANASAN MUNA BA TALAGA ANG UMIBIG MASAKTAN GAYA NG NASULAT MU ANG GALING MU ANG LAWAK NG ISIPAN MU KASYA ATA ANG MUNDO KHIT ATA LHAT NG TAO KAAYA MUNA PAYUHAN SA MGA NAIICP MU

  34. 37

    APRIL ACOSTA said,

    NAKAKA ENJOY TALAGANG BASAHIN ANG MGA QOUTES N GAWA NI BOB ONG.THANKS FOR YOUR WONDERFUL QOUTATION.

  35. 38

    patx said,

    bob ong your the best iba ang feeling ko kapag nbabasa ko ang mga qoutation mo.. more blessing to come..

  36. 39

    makiko pianca said,

    i like ure inspirational qoutes bob-ong !! dame mo na sgurong naging karanasan .. keep up the good work . more power to you and godbless ! ( makiko )

  37. 40

    claire said,

    hahahai………..you’re so mysterious Mr. Bob Ong………..hindi ka talaga nagpapapakila,,,ni isang picture wala ka!.Gusto ko talagang makilala ka;(

  38. 41

    Wonderful points altogether, you simply gained a brand new reader. What could you suggest in regards to your put up that you simply made some days ago? Any positive?

  39. 42

    Sheramie said,

    nakz…. i really like almost all of the qoutes….(=

  40. 43

    Rizalyn said,

    Grabe! Nakaka-inspire mga quotes m0 b.0 :)
    mag pa interview ka naman kaht minsan o,para makita na kita. Keep it up,bro ^^

  41. 44

    itsmekhiem said,

    haha relate :)) thanks to bob ong :)

  42. 45

    HaHakxx NakaRELaTE a’coE

  43. 46

    Anonymous said,

    Hello! I simply would like to give an enormous thumbs up for the nice info youve gotten here on this
    post. I will likely be coming back to your blog for extra
    soon.

  44. 47

    tyrine said,

    hahaha sobrang lyk

  45. 48

    hajime j. said,

    i really really like..!muaaaaaphzz tnx dre Boq

  46. 49

    camille said,

    love u poh ang gaganda poh ng nga quotes mo ang saya ko kc dmi qoh ng quptes xa notebook qoh xana dumami pah i2

  47. 50

    You have made some decent points there. I looked on the net to
    find out more about the issue and found most individuals will go along with your views on this website.


Comment RSS · TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 61 other followers

%d bloggers like this: