SINULOG! I-SYAGIT UG KUSOG! PIT SENYOR! PIT SENYOR! TANAN MAGSA-ULOG!

VIVA PIT SENYOR means:

Viva = Long Live
Pit = Petition (sangpit)
Senyor = refers to Sto Nino.

Way back 2006, 3 days after kong umuwi from Taiwan, I went to Basilica de Sto. Nino and ask guidance kung ano mangyayari sa akin after working abroad.. Bitbit ko yong perang pinaghirapan ko na hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.  So after airport pumunta na ako sa Basilica and for the first time nakita ko si Niño Up-close and Personal, pumila din ako para lang mahipo ko ung mismong altar nya and i felt relieved kasi noong elementary pa lang ako naiingit ako sa mga taong pumunta ng Sinulog, ang tingin ko sa kanila ang yaman-yaman nila para pumunta dun, nung nandun na ako hindi pala ganun kadali, kelangan mo ng pasensya at tyaga para lang mahipo Sya. So I promised, kung papalarin man ako sa mga plano ko and always in good health walang palya ang pagpunta ko sa Kanya twing fiesta and I want to keep my promise for Him.

First Sinulog was 2007, I was with my cousins and sister.  Bago kami makapasok mismo sa loob katakot takot na siksikan ang inabot namin.. the last time na na-experience ko ang ganung siksikan ay ang concert ni Bon Jovi sa Araneta.. this time ibang siksikan kasi walang sigawan…as in bumper-to-bumper! Start namin ang mass around 8-9 a.m. tapos nagtirik kami ng kandila for praising and thanking Him for all the goodness He has been bestowing upon us which is the reason of our Sinulog and then sumilip kami  sandali mismo sa altar  nya  pero hindi na kami pumila pa.. afterwards  SM and Ayala syempre first time kong gumala sa Cebu kaya sinamantala habang may kasama dahil kung ako lang mag-isa for sure mukha akong tanga! Hehehe.. Sinulog 2008 same happened and this time after SM we went to Banilad to my Kuya Boboy’s house ..ang layo! Tatlong sakay from SM di ko matandaan kung pano pumunta ulit dun. Sinulog 2009 i was with Weh and 2010 with Weh and Dodong as in bumigay ang shoes ko sa sobrang putik since plano ko naman talagang bumili ng new sneaker shoes I decided to go to Ayala at wala akong nagustuhan balik kaming SM wala pa rin ako nagustuhan na style dahil gusto ko simpleng sneakers lang talaga! Ang Ending? Islander Slipper!

Sinulog 2011 the very first time na mag-isa lang.. as in naglakad ako from Pier 1 to Basilica may dalang payong kasi ang ulan walang tigil from Saturday night.. Feeling alam na alam ko ang lugar pero tinitignan ko lang ang mga tao kung saan sila pupunta at lulusot dahil alam ko halos lahat ng tao that time pupunta sa church buti nalang nakapasok ako ng maayos pero ganun pa rin siksikan at inexpect ko na talaga na ganun..Happy and I feel proud for myself kasi.. imagine? Mag-isa lang ako huh! Tapos picture-picture feeling turista! Hehehe..

Pero sa 5 years kong pabalik-balik sa Cebu never kong na-witness ang Sinulog Street Dance.. dahil dun palang sa Church. Yuping-yupi na ako sa sobrang dami ng tao.. kaya sa TV nalang ako nanonood ng mismong contest..hanga at bilib ako sa mga sumasali na kung saan-saan galing pa ang mga contingent at mostly mga BATA!

Here’s some of my pics: Altar

Inside the Church

Peoples Madness from Left to Right to Below Center

Blessing si Father sa mga Sr. Sto. Nino Image after the mass.

Eto ang nakakatawang experience nung nasa loob ako ng grocery ng SM narinig ko yung tambol parang ang lapit lang sa akin, pansin ko ung mga tao nagtatakbuhan sinilip ko kung ano.. ABA! nakita ko may mga nag SINULOG din mismo sa loob ng  SM supermarket, as in iniwan ko ang cart ko walang paki-alam nag picture picture sa mga sumasayaw at pagkatapos hindi ko alam kung saan ko na iniwan kunwari may tinitignan pero hinahanap ko ang cart ko.. buti nalang walang naki-alam dahil andun ung mga pinamili kong tongshie-tongshie! hehehhe! what an experienced!

Niño See YOU Again on SINULOG 2012! I LOVE  YOU!


 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: